Para saken ba ang Network Marketing?

Madalas mo na sigurong naririnig yung mga opportunities or extra income and even sales representative job offer ng mga Network Marketing companies or MLM. Iba’t iba ang style or diskarte ng mga companies or mga tao kasali sa ganitong klaseng ng negosyso upang makapag pasali ng ibang tao sa kanilang grupo para kumita ng commission. And madalas din nila sabihin na eto ang babago sa buhay mo kaya pag sikapan mo mag recruit, “power!” “hataw lang ng hataw!” “payaman!” these are the most common word na madalas naten naririnig sa mga taong kasali sa MLM Business or Network Marketing.

Minsan nakakaakit at minsan nakakairita na din, un tipong maririnig mo palang na sinasama ka ng friend mo or kaaway mo sa
business na pinagkaka kitaan niya eh, mejo naiirita ka na at sasabihin mong “Ay alam ko na yan, Networking yan..” Pero,
andami pa din tao ang sumasali sa ganitong klase ng negosyo.

Ano bang meron sa Network Marketing at kahit na marami na naloloko at hindi kumikita sa ganitong klase ng negosyo. Hindi ko
sinulat etong article na ito para ang mga makakabasa nito is sumali or umiwas sa Network Marketing. Sinulat ko ito as my own
opinion na napag aralan ko about Network Marketing.
Earning Income with Network Marketing

Hindi naman maipagkakaila na kumikita ka sa pagpapasali ng tao sa Network Company mo, marami kasi ako naririnig. Hindi kame
puro recruit, products ang push namen. Although hindi ganun kalaki ang income through recruiting from different companies,
mas malaki pa ang income mo pag masa marami ka recruit kesa sa nagbenta ka lang ng products mo.

Imagine this, compare this example to all the Network Marketing Companies/MLM Companies. For example, mag isa ka lang at wala
ka downline at nagbebenta ka ng let’s say around 100 pcs of product/day (NOTE: ETO IS 1 PRODUCT LANG NG COMPANY NG PACKAGE)
compare sa nakakabenta ka ng product package na considered as recruitment na din to your group. Kitang kita na mas MALAKI ang
SALES mo kapag nakakabenta ka ng PACKAGE (Recruitment) kesa sa pagbebenta or pag push ng products (Direct Selling).

Masyado kasi nila pinasasama un word na “recruit” ang pagpapasali or recruitment sa Network Marketing Company is by selling
the products packages in which automatic member na sila with benefits. Akala lang kasi ng iba is naglabas sila ng pera at
sumali na walang kapalit. If ever ngyari sayo na nagbayad ka lang at walang kapalit na products, “DO NOT” assume na scam na
agad ang company. Sad to say pero marami sa ating mga kababayan ang nanloloko sa kapwa at ang masama pa nun is ginagamit nya
un MLM strategy sa pag scam. Hindi po lahat ng Network Marketing Company/MLM Company ay scam, naniniwala ako at maraming nag
agree na it is a very profitable business na makakapag pabago ng buhay mo.

The way how we Network

Marami kasi nasisilaw or na “hype” sa mga top earners or sa mga taong kumita na ng malaki sa isang Network Marketing
Company/MLM Company kung kaya, sa paraan naman ng pagbebenta or pagpasali nila sa tao ay nagiging sapilitan at hindi na
nagagawa ng tama ang “NETWORK” marketing.

For me or any business and or entrepreneur, “NETWORK” is the building block for success. When we say “NETWORK” eto un
tinatawag natin “CONNECTION” the more na marami ka “CONNECTIONS” / “NETWORK” the higher the chance for success in your
business or even work. Hindi ba? so this kind of strategy or marketing is been used for a long time before Network Marketing
business has emerged.

Kaya dapat kung ikaw ay kasali sa isang Network Marketing Company/MLM Company, ang una mo dapat build is “RELATIONSHIP” hindi
eto un “GIRL to BOY, BOY TO GIRL RELATIONSHIP” or un tinatatawag naten “BUSINESS BUSINESS LANG WALANG PERSONALAN”. So paano
ko ba mabubuo ng tama ang “NETWORK” ko? First you need to build a proper “RELATIONSHIP” which is un trust and un pagiging
professional. Before ka maglatag ng MLM marketing plan at product presentation sa tao, make sure that both you are friends
that respect and trust each other. For sure, kahit ano pa yang ipakita mo sa taong un is magugustuhan niya ang good
intentions mo for inviting him/her on your MLM business.

The Network Marketing promise

Hindi pa man tayo nakaksali lagi na naten naririnig sa ibang tao na, “dito ka yayaman”, “etong negosyong to ang makakapag
patupad ng pangarap mo”, “wag ka na mag traditional business dahil mas maganda itong business na ito”, “try mo lang or
subukan mo lang at hindi ka magisisi” and so on…

Maraming sumusubok or nag try sa ganitong negosyo pero hindi kumita or bumalik ang puhunan at parang bata na sinasabing,
“wala talaga ko swerte sa networking”, “scam lang naman to bakit pa ko napasali”, “nako puro pangako at hype lang naman” and
the list goes on..

The problem is not with the “Company” itself, the problem lies with your sponsor or upline mo and yourself. Now maraming
magrereact dito na hindi na sagot ni upline kung kumita ka or hindi which is the debate that never ends. If ako ang
tatanungin mo, yes it’s also the uplines fault or un sponsor mo “dahil” noong panahon na hindi ka pa kasali anjan na un mga
words na sinasabi nila na “hindi kita papabayaan”, “kasama mo ko lagi kahit saan”, “magtutulungan tayo para mabago buhay
naten” and the list again goes on and on.

As you can see, puro pangako pala si upline, nagkaron kayo ng tampuhan or misunderstanding kaya iniwanan ka na ni upline.
This is a business that handles people and people have emotions kaya ang masasabi ko lang is before you join a network
marketing company or mlm business be ready for any emotional issues that will arise as soon as you’ve start building your own
group.

The power of Network Marketing

If you haven’t learn or know leverage, eto un abilidad mo na gumawa ng maraming trabaho na hindi ka mahihirapan. Sa network
marketing, mahihirapan ka sa una na magpasali sa grupo mo pero once na may sumaling isa, dalawa (2) na kayo nagpapasali. So
for example meron ka na 100 na tao napasali sa group mo with one goal which is maghanap pa ng mapapasali. 100 na kayo
naghahanap instead na mag isa ka and that is how you use leverage. Kung nakikipag usap ka sa 5 tao bawat araw at ganun din
ang ginagawa ng 100 na tao na downline mo, lahat kayo ay kumakausap ng (ikaw 5 + 100 na tao mo x 5 = 505) 505 na tao sa isang
araw. Ang sabi nga nila sa 10 na taong makakausap mo 1 lang ang sasali so kung meron ang grupo mo na 505 na kinakausap a day
ilang ang bagong downline mo a day? You do the math :D
Is it still worthy to join a Network Marketing Company/MLM company?

This is still debatable kasi marami na din taong na burn or nagsawa sa pagsali sa isang Network Marketing Company/MLM Company
but set aside those people. Yes, joining or doing Network Marketing is still “Very” “Very” profitable as long as you follow
my simple checklist before joining or doing it.

Be prepared with your emotions, sabi nga ni bro Bo Sanchez “Conquer your Goliaths”
Marami kasing maninira sa pagsali mo palang, lalong lalo na mawawalan ka pa ng mga kaibigan at pandidirihan ka pa kahit kamag
anak mo yan or asawa mo pa.

Make sure you will dedicate your time and effort sa pagbuo at pagtulong sa mga taong sasali sa network mo.
This is something na dapat pinaghahandaan. Kung ikaw ay mabilis magtampo or magalit, wag ka na mag attempt sumali sa isang
network marketing company/mlm company dahil siguradong mauubos ang pasensya mo sa tao makakausap mo at mga chismis na
maririnig mo.

Do it for your, self improvement and by helping others as well.
Kung pera pera lang ang dahilan mo eh for sure madidismaya ka lang dahil bago ka kumita ng 1 million pesos eh aabutin ka ng
2-3 years minsan 5 years pa. At siyempre gagastos ka pa ulit para sa pamasahe, load, pagkain at kung ano ano pa. Hindi lang
porket nakaipon ka na ng pera pambili ng package at maging member is wala ka na gagastusin. Pag meron ka kakausapin na tao
para mapasali sa grupo mo, kelangan mo mamasahe or tawagan un taong un at siyempre kelangan mo ng pera para gawin un sa bawat
tao na prospect mo.

Build confidence
Kung ikaw un taong mahiyain, mag isip isip ka muna. Dahil hindi lahat ng tao is kaya mag alok ng pambenta sa ibang tao lalo
na at ang produkto mo ay galing sa Network Marketing Company.

Do not have any regrets
Si upline given na yan kung hindi ka nyan matulungan, you made your own choice na rin for joining the Network Marketing
Company. Hindi ka naman siguro tinutukan ng baril para magbigay ng pay-in. And once you’ve join, tanggapin mo ang katotohanan
na kasalanan mo kung bakit hindi ka kumita sa MLM company na sinalihan mo dahil the system is already proven and made a lot
of millionaires. Hindi mo lang nagawa ng tama kaya hindi ka kumita or tinamad ka or masyado ka nasaktan sa mga naririnig mo.

Eto lang ang mga basic checklist for you to be prepared on joining or doing Network Marketing. But, don’t worry if hindi mo
kaya ito mag isa gawen dahil lahat ng Network Marketing Companies or MLM Companies have trainings. Just remember na,

If you want something to change in your life, start changing the things you are regularly doing

PS: Please give us a comment and like or share this article on Facebook. Goodluck and God Speed on your financial journey!

PREMADE BLOGS READY FOR AFFILIATE AND LEAD GENERATION: http://www.dmr-evolution.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s